Tuesday, June 30, 2009

Kukwokkukuk

Kukwokkukuk (.mamaos maos na pagkasabi..sa boses robot..d ng manok ha)

Kukwokkukuk.. Tama boses ko yan matapos kong mapanood ang Transformers: The Revenge of the Fallen. Paulit-ulit kong sinasabi parang may nainom na pawis ni Optimus Prime.. bida ng pelikula na pangalawang beses na binuhay ni Micheal Bay na sabi ng ate ko eh intsik pero hindi naman pala

Maraming spekulasyon akong narinig bago ako nanuod. Ang sabi eh sobrang ganda daw ng pelikula na ayaw munang umuwi pagkatapos at sa sobrang ganda eh parang gusto munang maging robot samahan si Optimus at piliting makapagsalita si Bumble bee.

Bitbit ang buong pamilya dalidali kaming nagpunta sa mall d alintana ang kainitan sa labas at ang banta ni Secretary Duke ng AH1N1. Bumili ng popcorn…ice tea..tempura..at pila na para sa 6:10 na screening.

Nakapasok na rin sa wakas.tumakbo pa nga kami sa takot na d makaupo kahit panglima kami sa pila. Sa pag-upo medyo may ilaw, at sa saliw ng Before I let you go ng Westlife sa background binuksan ang popcorn..kumain..humigop sa ice tea..seatbelt ready na rin.
Kokwukukkuk… ayan na..start na..narinig si Optimus Prime kinukwento ang pagmumulan ng buong kwento pero d kuna ikukwento ang nakwento nya sa amin at kayo na ang magtuklas para may konting effort naman..hehe

Natapos namin ang pelikula. Gusto ko pang bumalik pro one-time screening lang . Sa aming paglabas masasabi kong tama ung mga narinig ko bago ako nanuod.

Naisip ko lang..

Marahil masaya si Spielberg kasi marami ang natuwa..nawindang, natulala sa kanyang obra maestra..Na sa ginastos nyang pera maraming tao ang d nakaihi ng tatlong oras, nkaubos agad ng isang bucket ng popcorn sa loob ng 6 minutes, namagang panga sa mga makabasag pangang eksena ,lumuwang na mga bolang mata at mga nag-away na magulang sa kung sino ang sasama sa kanilang anak sa CR. habang nasa kalagitnaan ng ingkwentro ni Optimus Prime at Megatron sa isang gubat.

lto ang mga eksenang kakalabit sayo matapos ang pelikula. Balik realidad..balik sa nakakaramdang katawan. Maya maya’y maririnig mo na ang kalam ng tsan.mapapansin ang mga pulang mata..ang nalamigang katawan at orange-ish na mukha dala ng nakaing popcorn.

Napailing ako at naisip na sulit ang 90 pesos na libre ni ate. Natapos ang panonood ng may kanya kanyang ngiti at eksena ang lahat. May gumaya sa isa sa linya ni optimus…gayang gaya..prang optimus na may sipon, sumagot naman ang isa kong ate ng isang maximum volume na transformer ringtone na 2007 edition pa, habang nagkwento naman ang isa..detalyado..may mga animo’y pagbabaluktot ng katawan ..pagtatago ng ugat-ugat sa braso …umooo naman ang lahat.kinalimutan panandalian na magkakasamang kaming lahat nanuod ng araw na iyon.

Maraming mga bagay ang masarap kalimutan sa tamang pagkalimot at pagpapakahulugan sa mga bagay na bibigyang tuon. Sa araw na iyon nakalimutan namin ang aming kanya-kanyang problema at pagkakaiba. Magaan ang aming pakiramdam at bakas ang kasiyahan sa simpleng paraan. Walang kwenta ang transformer kung ihahambing ito sa mga taong nakasama ko sa pagkakataong iyon. Mga taong nagbigay kahulugan sa akin at sa buhay na binibigyang kahulugan ko ngayon.

Salamat sa mga autobots at decepticons na rin, kay Maegan Fox sa kanyang poised na takbo kahit sumasabog na ang paligid at xempre kay Shia LaBeouf na kahit mahirap sabihin ang pangalan eh nagpakitang gilas nman sa simula at katapusan.

Sa mga d pa nakapanuod..nuod na..Sa mga nakapanuod na nuod pa hanggang magsawa ka.

Wag nyo lang kalimutan sa panonoood
ang ticket..
ang popcorn at ice tea
at xempre ang mahal mo, mahal mo sa buhay.

Tiyak mag- Kokwukukkuk ka rin pagkatapos.

Friday, June 26, 2009

A Bite

Stiffed face turned sunny
From an angel’s bite made funny
Tickling the bones of a melancholic heart
Etched the face with a promising love

Wherever, whenever you bite me
Bringing me to a best shape
A glance to your eyes, even more liberates
Clenched longingness from deprived moments

Missed bite a day is a lifeless pursuit
Uncertain present further gloomed
Pain of life made perfect
With your bite every minute keeps my faith

How I wish your lips would not depart me
So my passing body finds haven for eternity
With the minute bite you keep me warm
I say to my self that is the longest time I felt I am alive

Sunday, June 7, 2009

Home

I saw you again in your deep solitude
Thinking of sworn FOREVER now BLUE
I caught myself crying inside
Would like to know when you will home a SMILE from my heart

I forced to focus somewhere
But your eyes lingers like a shadow of present yesterday
I wrinkled my nose to place a wacky picture
Yet you made an empty smile to coat the agony so pure

I forced to free a consoling face
Galvanized with a fighting spirit to redeem
From your pit of sorrow and regret
To my loving presence may seek to find difference

How I wish I can easily meet those ENDS
YOU, your YESTERDAY and TODAY
Though the distance is distant to our defined time
I promised to be your bridge crossing the line

I thought for a while as if I am ALONE
But back to you, you smiled again with your HOPEFUL eyes
I want to ask why but your silence boldly spells “I don’t know!”
I just closed my eyes and to your embrace I felt my HOME

With You

Thought of you surfaced from a sleepy mind
Your eyes looking in deep doubt
Heaven and hell tossed in a deep sigh
By my side forever will be your life?

I smiled
Kissed your newborn eyes
Tickled, nerves jumped-high
Warmth of reality brushed
Mist of uncertainty plight

The future might be a blur
Yet with certainty I could sight
Whatever has been and would be
Tomorrow with you will be my immortal glee

Bituin

Pumapatak ang mga luha ng langit
Dumadampi sa kalsadang kaninay hinurnong kawali
Hinahanap ko ang iyong pagdating sa mga tumatampisaw na gunita
Ngunit nabubulag sa talim ng mga ligaw na liwanag
Malamig, kalamna'y namamahay
Nais magapos sa mga anghel mong kamay
Dumadagundong ang ingay ng nakabibinging kalungkutan
Mga pumanaw na oras, tumagos ng walang malay
Nasilayan ka sa kalayuan
Bitbit ang pananabik ng matamis na pagkilanlan
Nabuhay ang dugong nakahimlay
Nadama ang sariling minsa’y nawalay
Muling narinig ang musika ng niluhaang kalsada
Magkayakap sa silong ng mga madilim na ulap
Tumingala ako ngunit kapos sa bituing mahagilap
Bumaling sayo, nakita basang bitiun na nagliliyab