Monday, July 6, 2009

Goriong Beritaklan..atpb!

Sa isang birthday party, nakangiting lumapit sa akin si Alejandro Medina, pamangkin ko na 4 year old palang eh matanda pa sa kanya pangalan nya. Pawisan, may mga mantsa ng spaghetti ang mukha at nagsabi, “Tawag mo sa akin Gorz tawag nila sa akin dito Tsokolate” “Ganun? Eh anu gusto mo tawag ko na sayo?” Tsokolate nalang ang sabi nya habang medyo nilalangaw ang may kanin nyang buhok.

Tsokolate..tsokolate…ngumingiti pag tinatawag ko cya ng ganun. Marahil d nya nagustuhan ang binansag ko sa kanyang pangalan na Gorio hango sa Goriong Beritaklan na pangalan ko nung panahon na masarap pang uminum ng gatas ng kambing, maglaro ng tansan at goma kahit d na kumain at manuod ng sesame street ..medyo tumatawa kahit d naiintindihan.

Gusgusin ako nun at dahil yata hawig ang pagmumukha ko sa Goriong Beritaklan na nagpapatawa sa mga perya eh ginawa nila akong parang cya na rin. Gorio…gorio..sabay lilingon naman…at may pagaangkin sa narinig na salita.. Lumipas ang panahon, nangangamba na ang aking magulang dahil d pa rin remarkable ang height growth ko at ang d mapigilang paglaki ng aking tenga . Kung titingin ka sa malayo eh tanging tengang nakatyo ang makikita mo dahil kalbo lagi gupit ko nun. Yun ay upang maisakatuparan ang futuristic na idea ng tatay ko, having the equation na sa paglaki ko eh hahaba ng sobra ang buhok ko , mamumuti mga mata ng tao at magsasabing “may tenga ka pa ba?”. Dakila ka talaga AMa!

Rabbit..rabbit..ito naman ang bukambibig ng mga paquito diaz nung panahon ko. Na pag gipit na eh babarilin ng puna ang aking tenga na cyang magpapaiyak sa akin at maghahamun ng suntukan kahit d nakakatama. Mukha daw akong rabbit pro naisip ko d naman kc d naman pula ilong ko, wala naman akong bigoteng puti at d ko paborito carrots.

Sa high school gnawa nila akong Batan kc medyo may kakulitan daw. Nung nasa “House ni BRO” ginawa naman Bhuy..to say na mukhang totoy sa height pero may edad na. Nung dumating ako ng Cebu ginawa kong Nathan para medyo may pagkagwapo naman at cool pro others find it too beautiful at naiinsecure sila..haha..sounds porendyer kc once I say it in Australian accent.

Marahil pag 80 years old na ako may 50 na akong binyag na pangalan. Kung anu pa mga un d ko pa alam maaring Onat, Bonat, Borat, wag lang An-an dahil malayo na un. Mga binyag na pangalan ayun sa pagkakakilala sa natatanging katauhan ng bawat isa. Mga pangalan na bunga ng inis, saya, pagmamahal, pagkamangha, pagkayabang o kahit anu pa.

Pro sa kadami dami ng ating mga palayaw o pangalan, iisa lang mananaig at iyon ang pangalang nais mong masabi sa Diyos pag tinawag kana nya.

Ako po ay si….???